Tirador ng aircon,  tiklo sa mag-asawa
Tirador ng aircon, tiklo sa mag-asawa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang isang umano’y magnanakaw na tumangay ng isang air-conditioning unit makaraang agad na magi-sing ang mag-asawa niyang biktima nang mainitan sa kanilang kuwarto kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

 Nakilala ang nadakip na si Charles Dave Pualengco, binata, walang trabaho at naninirahan sa No. 0103 ME Nicolas Street, Taal, Bocaue, Bulacan.

 Sa ulat ng pulisya, mahimbing na natutulog sa kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay sa No. 1630 Padrigal Extension, Brgy. Karuhatan, Valenzuela si Brenda Picache at kanyang mister nang maalimpungatan dahil sa pagkaramdam ng init sa kanilang kuwarto dakong ala-1:15 ng madaling araw. 

Tuluyang nagising si Picache nang bumagsak ang cover ng aircon unit nila at nakitang nawawala na ito sa butas sa kanilang pader.   Nagmamadaling bumaba si Picache at nakita ang isang lalaki na bitbit ang aircon saka lumabas ng kanilang bahay.  

Agad na isinumbong ng misis  sa mister na mabilis na tumawag ng responde sa pulisya.

 Nadakip si Pualengco ng mga humabol na pulis habang sakay ng isang tricycle at narekober ang aircon unit na ninakaw nito.  

Nabatid din na walang dokumento sa tricycle ang suspek na hinihinalang kinarnap din nito.  

MAGNANAKAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with