^

Metro

Bulok at overloaded na mga bus, target ng I-ACT

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mga bulok at overloaded na pampasaherong bus naman ang tinarget ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) nang hulihin ang mga ito makaraang salakayin ang mga bus terminals sa Quezon City at Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Hindi na pinabiyahe ang mga bus na nadiskubreng  pudpod ang mga gulong at  basag ang mga bintana habang tinikitan din ang mga bus na nahuling nag-ooverloading.

Higit isang dosenang bus terminal ang inikutan ng I-ACT na binubuo ng Department of Transportation, Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group habang may kasama rin silang tauhan ng Armed Forces of the Philippines para sa dagdag na seguridad.

Binusisi rin ng mga tauhan ng pamahalaan ang mga papeles ng mga bus upang matiyak na may prangkisa ang mga ito.  Target rin kasi ng ahensya na matukoy ang mga bus at UV Express van na nakikisosyo sa mga bus terminals.

Binalaan naman ni DOTr Undersecretary Tim Orbos ang mga kompanya ng bus na sumunod sa regulasyon ng pamahalaan sa pagbibigay ng ligtas at epektibong serbisyo sa kanilang mga kliyente habang humingi ng dispensa sa mga naabalang pasahero.

“Kawawa ang mga pasahero, hirap na hirap na sa pila tapos wala pang banyo.  Huwag sana nilang (operators) habulin ang kita, kaya sila binigyan ng prangkisa ay pagsilbihan ang mga mamamayan,” giit ni Orbos.

Dadalasan na rin umano nila ang pag-iikot sa iba’t ibang bus terminals lalo ngayong papalapit na ang Semana Santa para makatiyak na ligtas ang biyahe ng mga pasahero at maiwasan ang mga aksidente tulad ng nangyari sa Dimple Star bus sa Occidental Mindoro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with