^

Metro

LRT-1, magbibigay ng libreng sakay sa mga babaeng PWDs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng libreng sakay ang mga kababaihang may kapansanan bukas (Marso 26), Lunes Santo.

Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang ope­rator ng LRT-1, sa pagdiriwang ng Women Disability Month.

Ayon sa LRMC, ang libreng sakay ay ipatutupad nila sa lahat ng 20-istasyon ng LRT-1, na may rutang mula Baclaran sa Paraña- que City hanggang sa Roose­velt, Quezon City.

Upang maka-avail ng libreng sakay ay kinakailangan lamang na magpakita ang mga kababaihan ng kanilang Person with Disability (PWD) ID o kahit anong balidong go-vernment identification cards (ID) sa teller na naka-duty, at kaagad na silang ituturo kung saan ang nakatalagang ser-vice gate para sa kanila.

Nabatid na ang unang biyahe ng LRT-1 ay umaalis ng 4:30 ng madaling araw, habang ang huling biyahe mula sa Baclaran ay umaalis ng 10:00 ng gabi at ang huling tren naman mula sa Roosevelt Station ay bibiyahe ng 10:15 ng gabi.

“This special treat to female PWDs is courtesy of LRMC, in cooperation with the National Council on Disability Affairs (NCDA), which is celebrating its 14th Women with Disabilities Day with the theme #ProgressToSuccess: Babaeng Maykapansanan sa Pagbabago Manguna at Manindigan Ka campaign this year,” ayon sa LRMC.

Kaugnay nito, ipinaalala na rin ng LRT 1 na wala silang biyahe mula Huwebes Santo (Marso 29) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1).

Inaasahan namang magbabalik ang normal na biyahe ng kanilang mga tren sa Abril 2, Lunes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with