^

Metro

Koordinasyon ng DepEd at LGUs, higit na kailangan - Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinanukala ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagkakaroon ng mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Department of Education (DepEd) para  sa pagpaplano, pagpondo, at pagtatayo ng mga istraktura sa mga paaralan sa lungsod.

Ito ayon kay Belmonte ay upang higit na mabigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan ang  mas mahahalagang proyekto na hindi lalabag sa anumang panuntunan ng pamahalaan.

Anya, malaking tulong ang magagawa ng LGUs sa pagpapagawa ng mga istraktura sa mga paaralan lalu na at inamin ng DepEd na wala silang gagamiting pondo para sa mga ganitong proyekto.

“Ganun din ang pagpapagawa ng auditorium. Dep­Ed merely relies on the city government to build such projects for them, so I think we need a greater coordination with them”  sabi pa ni Belmonte.

“One lesson I learned here is that DepEd and LGUs should really work together. DepEd will build classrooms, we will provide the other facilities that a student needs para maging holistic ang kanyang education, so kailangan meron tayong closer coordination para alam natin, ito ba ay tungkulin ng DepEd o tungkulin ng local government? Kailangan ng ganoong klaseng malapit na pakikipag-ugnayan,” dagdag pa ni Belmonte.

Una nang naglaan si QC Rep. Feliciano “Sonny”  Belmonte ng  P48-milyon para sa rehabilitasyon ng school auditorium  ng Roces School at pagtatayo ng tatlong palapag na ALS building na may sports facilities at ang bagong apat na palapag na classroom building na may 16 silid na nagkakahalaga ng P25 milyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with