^

Metro

Buong fleet ng Dimple Star bus sinuspinde: Digong, binisita ang mga biktima ng trahedya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa sampung unit, buong fleet na ngayon ng Dimple Star Bus ang sinuspinde ng 30 days ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makaraang maganap ang  pinakahuling madugong aksidente na kinasangkutan ng isa nitong bus  sa Occidental Mindoro noong Martes.

Ito ay makaraang madiskubre ng LTFRB sa isinagawang pag-iinspeksiyon sa terminal ng bus company at maging sa mga bus unit ng Dimple Star bus ng mga paglabag sa patakaran ng ahensiya.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na mina­buting ‘wag munang mag-ope­rate ang 118 units ng Dimple Star dahil sa iba’t ibang mga paglabag sa rules and regulations ng ahensiya tulad ng mga kalbong gulong ng mga sasakyan o di road worthy na mga sasakyan, di maayos na terminal at iba pa.

Sinabi ni Delgra na sa imbestigasyon ay nalaman din na  mula noong  2011, uma­bot na sa 134 ang nasugatan at 25 ang nasawi sa mga aksidente na kinasangkutan ng mga unit ng Dimple Star.

Kailangan muna umanong maisaayos ng bus company ang mga paglabag sa patakaran ng ahensiya bago muling makapasada ang mga sasakyan nito.

Una nang sinuspinde ng 30 araw ng LTFRB ang 10 unit ng Dimple Star na kasama sa iisang franchise ng isang bus na sangkot sa aksidente na ikinamatay ng 19 katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa sa aksidenteng naganap sa Sablayan, Occidental Mindoro. 

Samantala, binisita  kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang crash site kung saan nahulog ang Dimple Star bus na dito may 19 katao ang nasawi sa Sablayan.      Oc­cidental Mindoro.

Kasama ni Pangulong Duterte na nagtungo kahapon sa crash site ay sina LTFRB chairman Manuel Delgra at SAP Bong Go.

Iniutos din ng Pangulo kay Delgra na arestuhin ang ope­rator ng Dimple Star Transport gayundin ang iba pang kolorum na bus.

Dinalaw din ng Pangulo ang burol ng mga nasawing biktima gayundin ang mga survivor na nasa ospital.

Nagbigay ng financial assistance ang Pangulo sa mga biktima. - Rudy Andal

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with