^

Metro

12 kilo ng shabu nasabat: 4 timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon ang nakumpiska ng mga pinagsanib na puwersa ng Southern Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan  apat na drug suspek kabilang ang Chinese supplier ang nadakip sa loob ng isang shopping mall sa Alabang, Muntinlupa City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang unang tatlong nadakip na sina Norodian Gu­madel, 28, ng New Lower Bicutan, Taguig City;  Lady Jane Flores, 24, ng Bacoor Cavite at si Regina Inocencia San Miguel, 40, ng  San Pedro, Laguna.

Base sa ulat ni Senior Supt. Dionisio Bartolome, hepe ng Muntinlupa City Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang operation sa parking ng isang kilalang mall sa Alabang. Ito ay makaraang makatanggap ng mapagkakatiwalaang impormasyon ang PDEA sa magaganap na transaksyon sa iligal na droga.

Agad namang bumuo ng team ang pinagsanib puwer­sa ng Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City, SPD at PDEA at isinagawa ang operasyon. Isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer para bumili ng droga sa mga suspect sa nasabing parking area na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek.

Nasa limang pakete ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na mahigit sa sampung kilo at nagkakahalaga ng P50 milyon ang nakumpiska sa mga suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng PDEA sa Quezon City ang mga suspek na isinasailalim na sa masu-sing imbestigasyon. Naka­tak­da rin silang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 0f 2002.

Sa follow-up operations naman sa lungsod ng Makati ay nasakote ang Chinese supplier ng mga suspect na nakumpis-kahan naman ng  2 kilo ng sha­bu na nagkakahalaga ng 10 milyon.  Ang na­sabing Chinese  na ikinanta ng tatlong drug trafficker ay hirap magsalita ng Ingles at patuloy pang isina­sailalim sa masusing tactical interrogation. Isinasailalim na ngayon sa masusing interogasyon ang mga nasakoteng suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000. - Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with