^

Metro

2 pulis Quezon City nasermunan, pinagwalis ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na maabutang marumi ang presinto, kinas­tigo at pinagwalis mismo ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa ang dalawang pulis Quezon City na inabutan nito sa ‘surprise inspection’ kahapon.

Si Dela Rosa kasama si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde ay nagsagawa ng sorpresang pag-iinspeksyon sa Kamuning Police Station 10  sa kahabaan ng EDSA sa kanto ng Kamuning sa nasabing lungsod. Nairita si Dela Rosa nang maabutan ang nakatambak na mga basura sa bukana ng himpilan.

Agad na tinawag ni Dela Rosa ang dalawang inabutang parak na naka-duty dito na senermunan nito at pinagwalis.

“Bawal ba kayong magwalis, dito pa talaga sa EDSA paano ka rerespe­tuhin ng tao kung ang istas­yon mo mismo hindi mali­nis”, sabi ni Dela Rosa habang kinakastigo    ang da­lawang  parak.

Unang ininspeksyon ni Dela Rosa alas-6:30 ng uma­ga ang bus terminals sa Ara­neta-Cubao Station saka isinunod naman ni Dela Rosa ang surprise inspection sa Kamuning Police Station 10 at saka ang accounting ng mga pulis sa Camp Karingal sa lungsod Quezon.

Nabatid na hinihintay naman ng mga pulis sa nasa-bing himpilan na dumating ang kanilang janitor para siyang maglinis ng mga naka­tambak na basura dito at laking gulat ng mga ito nang bulagain sila nina Dela Rosa at Albayalde na may kasama pang mga mediamen.

Binigyang diin ni Dela Rosa na dapat paalalahanan din ang mga pulis  at magsagawa ng ‘surprise inspection ‘upang mabatid ang kakula-ngan ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with