^

Metro

Anti-drug ops ng NCRPO, tuloy sa Semana Santa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng ‘anti-drug ope­rations’ ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kahit sa Semana Santa bilang bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ito ang binigyang-diin ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde dahil sa tuluy-tuloy pa rin naman ang galaw ng mga sindikato ng iligal na droga. Ngunit umaasa pa rin ang heneral na magiging payapa ang pagbalik-tanaw ng mga taga-Metro Manila sa Mahal na araw.

“Nirerespeto natin ang Holy Week ngunit hindi pwedeng magpabaya lalo na ang ating intelligence monitoring kailangang paigtingin ang pagpapatrulya dahil sa aalis ang mga kababayan natin na nasa Metro Manila,” ani Albayalde.

Kahapon, isang malaking anti-drug operations ang isinagawa ng NCRPO sa bahagi ng Southern Metro Manila na hindi muna niya ibinunyag kung saan mala-king halaga ng iligal na droga na ang umano’y nakumpiska. 

Nasa 11,800 tauhan ng NCRPO ang ikakalat sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Kamaynilaan para magbigay ng seguridad partikular na sa mga pook na dadagsain ng publiko kabilang ang mga simbahan na pupuntahan ng mga magbi-visita Iglesias.

Kanselado rin naman ang ‘vacation leave’ ng mga pulis sa buong Semana Santa upang mapalakas ang pagbabantay sa mga tahanan at hindi makasalisi ang mga masasamang loob at maging mga terorista.

Sa kasalukuyan, wala pa namang nakakalap na intelligence report ang NCRPO ukol sa pagsalakay ng mga grupong kalaban ng pama-halaan, ayon sa heneral.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with