^

Metro

‘Taga-tumba’ ng sindikato ng droga, arestado sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Taga-tumba� ng sindikato ng droga, arestado sa Maynila

MANILA, Philippines — Arestado ang top 2 most wanted person ng Maynila na kasapi din sa isang vigilante group na naglilikida sa mga ‘tulak’ na hindi nagre-remit ng bayad sa illegal drugs sa ikinasang operasyon sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Chief Ins­pector Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU), nagsanib ang kanilang pwersa at grupo ni Chief Insp. Nino Lope Briones nang arestuhin ang wanted na si Manuel Zamora  Murillo, alyas Joel, 37, residente ng St. Peter, Tondo, Maynila sa kasong murder.

Una na umanong nadakip si Murilllo noong Pebrero 8, 2017 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) at Batas Pambansa 6 Illegal Possession of Bladed Weapon subalit nakalaya si Murillo dahil sa piyansa.

Bitbit ng mga awtoridad  ang ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Presiding Judge Ma. Silverio Castillo ng Branch 48,  na warrant of arrest laban kay Murillo sa Article 248 ng Revised Penal Code o murder criminal case nos. 17-333680 bilang ‘no bail’ ng ito ay arestuhin.

Ilang linggong surveilance ang isinagawa ng DPIOU at nang matunton ang kinaroroonan nito, alas-2:30 ng hapon kamakalawa ay nalambat si  Murillo sa panulukan ng Antonio Ville­gas malapit sa panulukan ng Taft Avenue sa Ermita, Maynila. Kasalukuyang nakapiit na sa MPD Integrated Jail sa MPD headquarters  ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order para sa paglilipat  sa Manila City Jail.

Naitala si Murillo bilang top 2 most wanted sa lungsod dahil sa mga kaso ng vigilante killing sa Tondo na sangkot ang kaniyang grupo. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with