^

Metro

NAIA pinarangalang top 10 sa ‘World’s Improved Airport’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinarangalan bilang ‘World’s Most Improved Airport,’ ng prestihiyoso ng Skytrax 2018 World Airport Awards ang Manila o Ninoy Aquino International Airport(NAIA) sa Stockholm, Sweden, kamakalawa.

Sa listahan na ipinalabas ng Skytrax World Airport Award sa Passenger Terminal Expo na ginanap sa Stackholm, Sweden, pang-sampu sa listahan ang NAIA, kasama nito ang mga airport sa Houston Intercontinental sa number 9, Moscow Shereetyevo bilang pang-walo 8, Montreal, no. 7, Nadi no.6, Athens no. 5, Taiwan Taoyuan no. 4, Calgary no. 3, Perth no. 2 at ang pinaka-improved airport sa buong mundo ay ang Rome Fiuumicino Airport.

Ang resulta ng survey ay  ginawa sa may 13.73 milyong respondents sa 100 nationality na mga airline customers sa 550 paliparan sa buong mundo noong Agosto 2017 hanggang Pebrero 2018.

Ginawa ang survey sa tatlong magkakaibang lengguwahe tulad ng English, Spanish at Chinese.

Napag-alaman, na ang Skytrax World Airport Awards ay ang prestihiyoso at pinakamalaking global airport consumer satisfaction survey na ginagawa taun-taon.

Nakuhang muli ang korona sa pang-anim na beses ng Singapore Changi Airport ang World’s Best Airport for 2018.  

Gayunman, nagpapasalamat si Monreal sa milyun-milyong pasahero na nagbigay ng oras para ibahagi ang kanilang karanasan sa NAIA sa mga survey.

“We are only as good as our last accomplishment. The bigger challenge now is how to sustain it. Their testimonies serve as inspiration for us to believe that change is not impossible even in the midst of trials,”?? sabi ni Monreal.

Sabi ni Monreal, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga kawani sa MIAA na ginugol ang kanilang panahon upang itaas ang antas para sa makabuluhang pagbabago sa paliparan.

Ikinatuwa din ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa pagkakasama ng  NAIA  sa top 10 bilang most improve airport sa mundo. 

Ayon kay DOTr Usec for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, napansin na sa buong mundo ang magandang resulta ng pagbabagong anyo ng NAIA, mula sa mga pasilidad hanggang sa pagkakaroon ng malinis, secure, mahusay at magalang na empleyado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with