^

Metro

Patay sa sunog sa Manila Pavilion umakyat na sa 6

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa anim ang patay sa nangyaring sunog sa Waterfront Manila Pavilion sa Ermita, Maynila.

Ito ay matapos bawian ng buhay ang isa sa mga sugatan sa sunog na kinilalang si Jennilyn Figueroa.

Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Assistant Vice President for Communications Carmelita Valdez, ang 28-anyos na si Figueroa ay ang internal security officer ng naturang hotel.

Matatandaang lima sa mga naunang nasawi ay mga empleyado ng PAGCOR.

Tiniyak din ng PAGCOR na bibigyan ng ayuda ang mga empleyado na namatay sa sunog.

Linggo ng umaga nang magsimulang masunog ang gaming area ng Manila Pavilion na naapula matapos ang 24-oras.

Inutos na rin ng Department of Justice ang imbestigas-yon upang malaman kung sinu- sino ang dapat mapanagot sa insidente. ( Ludy Bermudo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with