^

Metro

Internal migration mapipigilan sa pederalismo -- Joy B.

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na makakatulong ang pederalismo sa pagpigil ng internal migration o ang pagdayo ng mga taga-probinsya sa lungsod na maituturing na isang dahilan ng mabilis na urbanisasyon at iba pang problema.

Tulad ng iba pang lungsod sa National Capital Region (NCR), lumobo anya ang populasyon ng QC nitong mga nakaraang taon dahil sa patuloy na paglipat dito ng mga taga-probinsya.

“In seven or eight years’ time, our population in Quezon City has increased by more than 400,000. It’s not that we’re lacking, but we keep building and buil-ding, pero dumarami ang migrants,” pahayag ni Belmonte.

Anya, upang mapigilan ang pagtungo ng mga taga- probinsiya sa Metro Manila ay dapat na mapaunlad ang mga lalawigan at ito ay masosolusyunan sa pama-magitan ng pederalismo.

 “This is important so the people there will no longer go here in Metro Manila,” dagdag ni Bemonte. 

Kilalang sumusuporta sa pederalismo, binigyang diin ni Belmonte na makakatulong ito sa pagresolba sa mga problemang pang-ekonomiya ng bansa at mabibigyan pa ng pantay na oportunidad ang bawat rehiyon.

 “Ideally, according to the principles of federalism, magkakaroon nang pantay-pan­tay na kaunlaran sa buong Pilipinas kaya ‘yung mga nakatira sa mga mahi­hirap na bahagi ng bayan, hindi na nila kailangan mag­hanap ng pagkakataon o oportunidad para umasenso sa kalunsuran,” paliwanag pa ni Belmonte.

 “We will have more assets or more resources to spend on our own people,here in Quezon City we will be able to stabilize our population growth at mas mabilis nating mabibigay ‘yung panganga­ilangan ng taumbayan,” dagdag  ni Belmonte.

Ayon dito, ang internal migration ay isa sa mga dahilan ng pagdami ng informal settler families (ISFs) sa Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with