^

Metro

Salpukan ng 2 motorsiklo: 1 dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang baba­eng angkas ng motorsiklo habang sugatan naman ang dalawa pang rider nang magkasalupukan ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Parañaque si Eden Perez, ng Brgy. San Martin De Porres, ng nasa-bing lungsod. Isinugod rin sa pagamutan sina Jayson Gredoña, ng Brgy.  San Martin De Porres at Romeo Badil, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa Ninoy Aquino Avenue sa nabanggit na barangay. Minamaneho ni Gredoña ang isang scooter at angkas si Perez nang makabundulan ang isang motorsiklo na minamaneho naman ni Badil.

Parehong hindi umano nagmenor ang dalawang motorsiklo nang sumapit sa isang interseksyon hanggang sa magkasalpukan.

Dito tumilapon ang scoo-ter na angkas si Perez at na­bagok ang ulo sa kalsada dahilan ng kanyang pagkasawi. Nasa kritikal na kundisyon naman si Badil habang nagtamo rin ng pinsala sa katawan si Gredoña.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with