^

Metro

2 itinumba ng riding- in-tandem sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki nang kapwa barilin ng mga hindi nakilalang salarin na lulan ng motorsiklo sa magkasunod na insidente sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Marlon Valiza, alyas Bay, 30, tricycle driver at resi­dente ng Phase 9 Package 5, ng nasabing ba­rangay at ang 17-anyos na si John Paul Dagohoy, residente naman ng Phase 2 Block 50 Lot 15, ng naturang barangay.

 Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, naghihintay ng pasahero sa may Phase 9 Block 3 Maharlika Dulo, Bagong Silang si Valiza dakong alas-12:15 ng madaling araw nang lapitan siya ng dalawang lalaking salarin at biglang barilin nang malapitan  sa ulo. Natagalan naman bago marespondehan ng mga pulis ang insidente at wala nang buhay nang abutan ang biktima habang tuluyang nakatakas ang mga salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Dakong alas-12 ng ha-ting gabi naman nang limang beses na barilin si Dagohoy ng dalawang hindi nakilalang salarin na lulan din ng motorsiklo habang nakaistambay ang biktima sa tapat ng bahay ng kanyang tiyahin sa nasa-bing barangay.

Naisugod ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ngunit nalagutan rin ng buhay dakong alas-12:23 ng mada-ling araw.

Blangko pa naman ang pulisya sa tunay na motibo sa parehong insidente ng pagsalakay ng riding-in-tandem na patuloy pang iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with