^

Metro

‘Gun runner con-holdaper’, timbog sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang umano’y miyem­bro ng ‘gun runner con hol­­daper’ ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Mari­kina City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Mari­kina City Police, dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa nang maaresto ng ka­nilang Intelligence Ope­ratives ang suspek na si Ramoncito Calilap, alyas Taks, 27, sa isinagawang pagsalakay sa kanyang ta­hanan sa Bagong Silang St. sa Brgy. Nangka.

Nauna rito, nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t kaagad na nagsagawa ng buy-bust operation, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Ayon kay P/ Sr. Supt. Ro­ger Quezada, chief ng Marikina City Police Station, si Calilap, na naka­detine na sa kanilang pre­sinto ay sinasabing isang gun runner at sangkot sa serye ng robbery hold-up sa Marikina City at mga kalapit na siyu­dad.

Nabawi ng pulisya sa suspek ang isang Ingram sub machine gun na may dalawang magazines na loa­ded ng tig-10 live ammunition, limang live am­mu­nition, isang Armscor 9mm pistol, isang magazine na loaded ng limang bala at isang pakete ng hi­nihinalang shabu. Si Calilap ay sasampahan ng mga kasong pag­labag sa Republic Act 10591 o Illegal possession of firearms at RA 9165 o illegal possession of ille­gal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with