^

Metro

Estrada suportado ang kampanya ng LMP sa Pederalismo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas maging direkta ang pagbibigay ng pondo ng national government sa local government, suportado ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kampanya ng  League of Municipalities of the Philippines (LMP) 2nd General Assembly sa  pagsusulong ng Pederalismo.

Sa kanyang pagsasalita sa Manila Hotel sinabi ni Es­trada na inaasahang dadalo si President Rodrigo Duterte sa pambansang pulong ng 1,400 miyembro ng LMP upang muling hikayatin ang publiko na suportahan ang pangarap niya na maitatag ang federalismong pamahalaan sa Pilipinas. Noong halalang presidensiyal ng 2016, buong init na ikinampanya ni Duterte ang Federalism – na siyang tanging paraan upang maitama ang umiiral na depektibong sistema ng gobyerno sa bansa.

Sa sistemang Pederalismo, kung ano ang kayamanan at pag-aari ng lokal na pamahalaan, ito ay kanilang lubos na mapakikinabangan. Nabatid na ang LMP sa pamu­muno ng Pangulo nito na si Mayor Maria Fe Villar-Brondial ay mag-iisyu ng isang opisyal na pahayag na hihingiin sa Kongreso na unahin ang pag-aamyenda sa 1987 Cons­titution na palitan ito ng isang federal na uri ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni  Estrada na sinusuportahan niya ang nais ng LMP na maitatag ang gobyernong Federalismo sa pagbanggit sa tema ng asemblea na: “Pederalismo: Ngayon Na!”

Aniya, suportado  niya ang Federalism, dahil alam na alam niya ang mga problema ng isang lokal na pinuno ng pamahalaan. Ayon kay Estrada, ginawa niya ang pahayag bunga ng desisyon ng Supreme Court tungkol sa Internal Revenue Allotment na iniuutos ng batas na ibigay sa lahat ng lokal na pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with