Klase suspendido sa Metro Manila ngayong Martes
(Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2018 - 11:36am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Malacañang ngayong Martes ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sa kabila ng pagbabalik ng mga jeep sa kalsada.

Sinabi ng Office of the Presidential Spokesperson na para sa kaligtasan ng mga estudyante ang pagsususpinde ng klase.

"The President has instructed that he will suspend classes even with the slightest threat of a strike to ensure the protection and well-being of students," nakasaad sa pahayag.

Samantala, naka depende naman sa mga lokal na pamahalaan ang pagsususpinde ng mga klase sa labas ng Metro Manila.

"We reiterate that the government remains steadfast to modernize our public utility vehicles and will not be bullied or held hostage by some transport groups," dagdag nila.

Sinuspinde ang klase kahit tiniyak ng transport groups na hindi sila magsasagawa ng tigil-pasada.

Binatikos naman ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide President George San Mateo ang palasyo dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon na magsasagawa sila ng protesta ngayon.

"Wala pong transport strike bukas. Gaya ng ating inihayag sa media at publiko nung Marso 14 press conference at kanina sa press conference ay isang araw po ang strike na ating isinagawa ngayong araw,” sabi ni San Mateo kahapon.

CLASS SUSPENSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with