^

Metro

Libu-libong illegal gadgets, winasak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Libu-libong illegal gadgets, winasak

Ang libu-libong illegal gadgets  kabilang ang mga blinkers, sirena, LED lights na nasamsam ng PNP-HPG sa mga operasyon sa winasak kahapon sa loob ng Camp Crame. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Libu-libong mga LED Lights, sirens, blinkers at iba pang mga illegal na accessories na nakumpiska ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang winasak  sa ginanap na sere­monya sa grandstand ng Camp Crame kahapon.

 Ang nasabing mga ipinagbabawal na gadgets sa mga behikulo ay pinagulungan ng bulldozer  matapos itong makum-piska sa iba’t ibang panig ng bansa sa serye ng operasyon. 

Sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnel Escobal ang nasabing hakbang ay bahagi ng ‘Oplan Disiplinadong Driver’ na pinaigting pa ng PNP-HPG umpisa pa noong Oktubre 2017 sa ilalim ng Presidential Decree 96. 

Alinsunod sa nasabing batas, ipinagbabawal ang paggamit sa mga maiingay at flashing device sa mga motor vehicle sa pagbiyahe partikular na sa mga pangunahing lansangan maliban na lamang sa mga ambulansya, behikulo ng PNP at ng Bureau of Fire .

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, panahon na para matigil ang pagsisiga-sigaan ng ilang motorista na nakaka-abala sa mga kapwa nila motorista sa kalsada.

Kasabay nito, binalaan ni dela Rosa ang mga pulitiko na wala silang sasantuhin sa nasabing kampanya at maging ang mga ito ay huhulihin kapag lumabag sa batas .

“Law enforcement namin is without fear or favor, so kahit politician sila wala kaming pakialam, huhulihin namin sila pag nag-violate sila sa batas. Very clear tayo dyan, wala tayong sinasanto dito. Nakikiusap rin tayo sa mga politician na wag gumamit ng ganitong mga gadgets”, ayon kay dela Rosa.

Idinagdag pa nito na ‘case to case basis “ ang paggamit ng mga blinkers at iba pang mga gadgets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with