^

Metro

Lisensya, prangkisa nang sumama sa tigil pasada, ikakansela -- LTFRB

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipakakansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang drivers license  at kakanselahin ang prangkisa ng mga driver na nagsagawa ng transport strike kahapon.

Ito ang banta ni LTFRB Board member Aileen Lizada dahilan sa anya’y ito ang karaniwang penalty ng ahensiya sa mga nagsagawa ng tigil-pasada sa nagdaang mga buwan.

Sinabi ni Lizada na sa ngayon ay may nakansela na silang franchise dahil sa pagsama sa transport strike ng mga pampasaherong sasakyan.

Isa sa kinasuhan noon ng LTFRB si PISTON President  George San Mateo nang pangunahan noong nagdaang taon ang dalawang araw na malakihang tigil -pasada sa Metro Manila kasabay ng transport protest ng  mga kaalyadong grupo sa mga lalawigan.

Sa ngayon si San Mateo ay nakalalaya sa bisa ng nai-lagak na piyansa sa korte. Siya ay kinasuhan ng LTFRB ng paglabag sa  Section 20 (k) ng Commonwealth Act No. 146 o Public Service Act.

Sa ginawang tigil pasada kahapon ng Piston, sinabi ni San Mateo na bahagi ng kanilang karapatan sa pamamahayag ang ginawa at hindi paglabag sa batas ang kanilang pagkilos hinggil sa pagtutol  ng kanilang hanay sa jeepney phase out na ginagawa ng pamahalaan.

Anya, hindi phaseout kundi rehabilitasyon lamang ng mga lumang jeep ang kailangan upang walang maliliit na driver ang mawawalan ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Dahil sa tigil pasada, suspendido kahapon ang klase ng mga mag aaral sa QC, Makati, Maynila, Taguig at  San Pablo City Laguna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with