^

Metro

8-anyos na pupil, dinukot sa iskul

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ligtas na sa kapahamakan ang isang walong taong gulang na batang babae makaraang pakawalan ng lalaking dumukot sa kanya sa loob ng isang paaralan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Isinasailalim ngayon sa medical examination at counseling ang biktima na itinago sa pangalang Joy, grade 3 pupil sa Kasarinlan Elementary School na nasa Tuna St., Zone 3, Brgy. 28, ng naturang lungsod. 

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na nakilalang si Herbert Tagulao, 29, dating naninirahan umano sa naturang barangay at dating kinakasama ng tiyahin ng biktima.

Sa inisyal na ulat, alas-9 ng umaga nang makapasok sa naturang paaralan si Tagulao at tawagin ang bata buhat sa silid-aralan niya.  Malayang nailabas ng suspek ang paslit kahit na may security guard ang paaralan.

Nang mapansin ng kanyang guro na nawawala ang bata, dito na ito iniulat sa mga opisyal ng barangay at ipinagbigay-alam sa mga magulang niya.  Nagkaroon din naman ng ‘panic’ sa paaralan nang kumalat ang balita dahilan para sumugod ang mga magulang upang sunduin ang kanilang mga anak.

Ala-1 ng hapon nang matagpuan ang paslit sa tapat ng gate ng Frabelle Foods na matatagpuan sa C-3 Road sa nasa-bing barangay.  Ayon sa mga security guard, bigla na lamang nilang nakita ang batang babae na umiiyak at walang kasama.

Hindi pa naman makunan ng pahayag ang bata dahil sa takot na naramdaman habang patuloy ang manhunt sa suspek na umano’y dati nang nakasuhan ng ‘sexual assault’.    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with