^

Metro

LRT-1, apat na araw na hindi bibiyahe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na araw na hindi bibi-yahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) para bigyang daan ang paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon sa pamunuan ng LRT-1 magpapatupad sila ang ‘li-mit ope­rations’ ngayong Holy Week, at sasamantalahin ang pagkakataon para magsagawa ng maintenance work sa riles at mga bagon.

Sa advisory ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), simula sa March 29, o Holy Thursday, hanggang sa  April 1 o Easter Sunday ay hindi bi­biyahe ang LRT-1.

“The suspension of operation on the said dates will give way for comprehensive maintenance on the LRT-1”  ayon sa LRMC.

Muling magbabalik sa normal operations sa  April 2, araw ng Lunes ang biyahe ng LRT-1

Maging ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay apat na araw ding walang biyahe, simula sa Marso 28 (Huwebes Santo) hanggang Abril 1 (Linggo ng Pagkabuhay).

Ayon sa DOTr, sasaman-talahin nila ang naturang pagkakataon para maisagawa ang kanilang taunang maintenance activities para matiyak na maayos at ligtas na ibiyahe ang kanilang mga tren.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt Avenue, Quezon City patungo ng Bac­laran Parañaque at vice versa, habang ang MRT-3, ay  bumi­biyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave­nue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with