^

Metro

2 call center agent tiklo sa P178K cocaine, ecstasy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang call center agent ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta ng pagkakakumpiska ng halagang P178,000 na cocaine at ecstasy sa isang apartelle sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang dalawang suspek na sina Kevin Costes, 21, ng  Sta. Rosa, Laguna at Chrestien Deryck, 21, ng Parañaque City.

Nadakip ang dalawa dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Room No. 24A Relax Apartelle sa Brgy. Doña Imelda sa lungsod.  

Nabatid na isang linggong isinailalim sa surveillance operation ang dalawa at nang makumpirma ang sumbong na nagtutulak ng bawal na gamot ay isinagawa ang buy-bust operation. Isang pulis ang nagkunwaring bibili ng cocaine sa dalawa at agad silang pinosasan habang iniaabot ang bawal na gamot.

Nabawi mula sa dalawa ang mahigit sa limang gramo ng cocaine na nagkakahalaga P25,000 at 90 piraso ng ecstasy tablets na nasa P153,000 halaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with