^

Metro

Libreng sakay sa Camanava sa transport strike

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tutulong ang mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City) sa pagpawi sa problemang idudulot ng “transport strike” ngayong araw sa pagpapalabas ng kani-kanilang mga libreng sakay para sa mga pasahero.

 Sinabi ni Irish Cubillan, information officer ng Navotas City, ipinag-utos na ni Mayor John Rey Tiangco ang nakagawian nila na paghahanda ng mga van at truck para maghatid ng libre sa mga pasahero na mai-stranded sa kalsada. 

 “Magkakaroon ng tigil-pasada (March 19), dahil sa pagtutol ng grupong PISTON sa jeepney modernization program.  Ang ating pamahalaang lungsod ay may inihandang mga libreng sakay para sa mga apektadong pasahero.  Umalis nang maaga kung kinakailangan,” ayon sa anunsyo ni Tiangco sa mga taga-Navotas City.

  Inaasahan namang magpapalabas si Mayor Oscar Malapitan ng mga Asian Utility vans at mga service vehicles ng kanilang mga tanggapan para maghatid sa mga pasahero na mahihirapang makasakay.

 Nakaalerto na rin ang Deparment of Public Safety and Traffic Management Office at Caloocan City Police laban sa mga raliyista na magtatangkang mangharang sa mga tsuper na magdedesisyon na pumasada.

 Sa Valenzuela City, sinabi ni Zycan Caiña na nakaantabay lamang muna sila sa magiging sitwasyon sa mga kalsada sa kanilang lungsod lalo na sa MacArthur Highway ngunit nakahanda naman sila na agad magpakalat ng mga sasakyan para sa Libreng Sakay.

Wala pa namang pormal na anunsyo sa Malabon City para sa libreng sakay sa kanilang mga mamamayan na palagian namang nilang ginagawa tuwing may transport strike.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with