^

Metro

3 kolektor sa palengke minasaker

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong kolektor sa  Commonwealth market na kabilang ang isang babae, habang isang bata ang suga­tan nang tamaan ng ligaw na bala, matapos silang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na naka-helmet at bonnet sa Quezon City, ka­makalawa ng gabi. 

Kinilala ang tatlong napatay na sina Rhiela May Agravador, 25; Rex Delmon­te, 30 at Efren Gadong, 33. Habang ang sugatang  bata ay si Jhonny Boy Del­monte, 3-taong gulang.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO3 Jun Balbue­na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nabatid na ang masaker ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi sa Steve St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa report, nakahiga at matutulog na sana ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki na pawang naka-su­ot ng bonnet at helmet.

Sinipa ang pinto ng bahay ng pamilyang Delmonte at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo.

Sinasabing si Agravador at Gadong ay nakitulog lamang kina Delmonte dahil may maaga silang lakad kinabukasan bilang mga kolektor sa palengke.

Nasa katabing kuwarto naman ang bata kasama ang kayang ina na si Julie noong maganap ang masaker kaya tinamaan ng ligaw na bala sa paa na ngayon ay ginagamot hospital.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang 17 basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kinaganapan ng krimen.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng masaker na siyang subject sa ginagawang imbestigasyon at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with