^

Metro

‘Ride for Joy’ kontra droga, inilunsad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng iba’t ibang transport groups ang ‘Ride for Joy’ bilang pagsuporta ng transport sector sa kampanya ni QC Vice MAyor Joy Belmonte kontra illegal drugs.

Ayon sa Metro Manila Hatchback Car Community na bukod sa gagawing pa­nga­ngalaga sa mga pasahero ay titiyakin ng kanilang grupo na drug free ang ka­nilang hanay.

Pormal nang nag-courtesy call kay Belmonte ang mga opisyal ng naturang samahan na layong tumulong sa pagpapalaganap ng mga kampanya ng tanggapan ng una laban sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, nagpaha­yag din ng suporta kay Bel­monte ang Stop and Go Coalition transport group na may programang ‘Manibela Kontra Droga’ upang makiisa sa layunin ng una na maging drug cleared ang QC.

Tatayong legal team nito ang Lawyers for Joy ni Atty. Raji Mendoza  at Atty. Ariel Inton.

Sa ngayon, mahigit 20 barangay na ang drug cleared sa Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with