^

Metro

2 nilikida sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ng    lalaki na  biktima ng ‘summary execution’ ang pinagbabaril at napatay sa tabi ng isang subdibisyon sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala sa ulo at katawan. Isa ang ini­larawan na nakasuot ng puting basketball uniform at itim na short pants habang ang isa ay nakasuot naman ng berdeng t-shirt at pulang jogging pants.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw nang makita sa footage ng closed circuit television camera (CCTV) ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng Dela Costa Subdivision II sa may Quirino Highway, ng naturang lungsod.

Dito pinababa ng sasak­yan ang dalawang biktima  at saka pinagbabaril ng mga salarin bago tumakas lulan ng behikulo.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang piraso ng cartridge buhat sa isang kalibre .9mm na baril.

Patuloy naman ang ma­susing imbestigasyon ng pulisya sa insidente at ma­susing nirerebisa ang kuha ng CCTV camera upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with