^

Metro

Sakit na sa ulo, pasakit pa sa ekonomiya

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sakit na sa ulo, pasakit pa sa ekonomiya

Mistulang malaking parking ang kahabaan ng EDSA sa trapik na nararanasan sa araw-araw.

MANILA, Philippines — Hindi lang yata ‘petmalu!’, ‘eh ‘di wow!’, at ‘’pak! ganern?’ ang nasambit ng karamihan nang lumabas ang isang ulat kamakailan na halos nasa P3.5-bilyon kada araw ang nawawala sa kaban ng bayan sanhi ng walang katapusang problema sa trapiko sa bansa lalo na sa buong Metro Manila.

Ito ay batay sa datos ng pinakabagong istatiska na inilabas ng Japan International Cooperation Agency o JICA.

Taong 2014 ay naglabas din ang JICA ng kanilang pagsusuri na nasa P2.4 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas, na nakalulungkot isipin na makalipas lamang ng apat na taon ay nadagdagan na ito agad ng P1.1-bilyon.

Nakakaalarma na ang ganitong istatistika.

Nabatid, na nitong ika-36th Joint Meeting ng Philippines-Japan Economic Cooperation Committees, na dinaluhan ng Japanese-Filipino, public at private  stakeholders, ibinahagi at iprinisinta ni Susumu Ito, JICA   Chief Representative ang latest na resulta kaugnay sa  statistic ng JICA-National Economic and Development Authority (NEDA) hinggil sa Roadmap para sa Transport Infrastructure Development sa Greater  Capital Region.

Kung saan lumalabas na nasa P3.5 billion kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa nararanasang matinding trapik sa Metro Manila.

Sa ngayon aniya ay hindi pa lumalabas ang pinal na  resulta sa isinagawang follow-up study ng JICA dahil hindi pa ito naaaprubahan ng NEDA.

Batay na rin sa mga pag-aaral na ginagawa ng JICA, napag-alaman na kapag hindi naresolbahan ang matinding problema sa trapiko ay posibleng umakyat sa P5.4 billion kada araw ang mawawala o malulugi sa ekonomiya ng Pilipinas sa taong 2035.

Aminin man o hindi ng gobyerno, alam nilang nakakaalarma ang mga ganitong pag-aaral, kung kaya’t ang lahat ng paraan ay ginagawa nila para masolusyunan ang matinding trapik lalo na sa Metro Manila.

Sa naging obserbasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), base sa naging paliwanag ng acting general manager nito na si Jojo Garcia, sinabi nito na ang ilan sa mga naging sanhi ng trapik, partikular sa Kalakhang Maynila ay dahil sa mataas na volume ng mga sasakyan na bumabagtas sa mga lansangan.

Padami nang padami ang mga sasakyan, lalo pa aniya sa ngayon ay maraming lumalabas na mga bagong sasakyan, na nakakadagdag ng trapik, samantalang hindi naman nadadagdagan ang kalye. Ang totoo lumillit pa ito dahil sa mga nakahambalang sa daan o obstruction sa mga lansangan.

Problema sa engineering, dahil maliliit ang sukat ng mga daan, kawalan ng disiplina ng mga motorista at mga obstruction sa kalsada ang ilan pa sa nakikitang dahilan ng paglala ng problema sa trapik.

Kakulangan sa parking area, problema sa mga  illegal vendor na nakahambalang sa bangketa, kung kaya’t hindi nakakadaan dito ang mga pedestrian at sa halip ay sa mga kalye na lamang naglalakad ang mga ito, ang ilan pa sa dahilan ng nakadadagdag sa pagsikip ng daloy ng trapiko.

Kung kaya’t ayon kay Garcia, dahil sa trapik ay maraming gasolina at oras ang nakukunsumo, na ilan sa nakikitang dahilan kung bakit naaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas.

Magkagayunman,  nakakaalarma man aniya ang statistic  ng JICA,  sabi ng gobyerno ay huwag mawalan ng pag-asa dahil may solusyon naman aniya sa naturang problema.

Tulad nang ipatutupad na short at long-term solutions ng pamahalaan para maibsan ang  matinding trapik sa Metro Manila.

Sabi ng MMDA, sa short-term solution ang dapat  aniyang pairalin ay ang disiplina sa sarili ng bawat isa,  lalo na pagdating sa trapik, tulad ng pagsunod sa mga batas nito.

Bukod sa mga motorista, kailangan ding disiplinahin ng mga pedestrian ang kanilang sarili, na dapat  ay sumunod din ang mga ito sa batas trapiko, tulad ng  huwag sasakay at bababa sa bawal na lugar.

Samantalang ang “Build, Build, Build” infrastructure program ang long-term solution naman ng gobyerno.

Tulad nang pagtatayo ng mga bagong flyover, extension ng SkyWay, pagbubukas ng mga bagong daan,  pagpapagawa ng mga subway, at extension project ng Light Rail Transit (LRT).

Ang mga programang ito ng kasalukuyang pamahalaan ay sinusuportahan ng JICA at handa umano silang tumulong dito.

Katunayan, kamakailan lamang ay nagkaroon ng  9.399 billion yen Loan Agreement ang JICA at Department of Finance (DOF) para sa Arterial Road Bypass Project, Phase III upang makatulong sa traffic congestion sa Metro Manila.

Ayon sa JICA, mayroon itong tatlong phases, ang  una ay ang konstruksiyon sa 14.65 kilometro two-lane bypass road mula sa North Luzon Expressway (NLEX)  Balagtas Exit, ang ikalawa ay ang 9.96 kilometro bypass road mula Phase 1 hanggang  Philippine Japan Friendship Highway (PJFH) sa San Rafael, Bulacan at ang ikatlo ay ang expansion ng buong bypass road mula dalawa hanggang apat na lanes na may 24.61 kilometro.

Kung saan malaki ang maitutulong nito dahil  makakatipid sa oras ng biyahe na  45 hanggang 50 minuto para sa mga mana­nakay mula sa Northern Metro  Manila patungong Southern Metro Manila.

Nabatid pa sa JICA na ang phase 1 project ay kumpleto na at magiging bukas na ito sa trapiko, samantalang ang phase II ay inaasahang makukumpleto na sa second quarter ng 2018, na parehong ang nag-financed ay ang JICA.

Hinimok naman ng MMDA ang publiko na mariing suportahan ang “Build, Build, Build” infrastructure program  ng gobyerno.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with