^

Metro

Alternatibong sakay ng I-ACT. pantapat sa tigil-pasada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Titiyakin ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na mabibigyan ng libreng sakay ang mga pasaherong mai-istranded sa ikakasang tigil-pasada ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper and Operators Nationwide (PISTON) sa darating na Lunes (Marso 19).

Nasa 20 pribadong bus katuwang pa ang mga sasakyan buhat sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines -Joint Task Force National Capital Region (AFP-JTF NCR) ang idi-deploy sa mga apektadong bahagi ng Metro Manila.

Hindi naman libre ang iniaalok na sakay sa mga ko­­kontratahin na bus. Ngunit maniningil lamang umano ng P10 kada pasahero ang mga bus na walang aircon at P12 sa mga naka-aircon na bus units.

Tiniyak naman ng I-ACT  na kanilang pakikilusin ang Joint Quick Response Team para mabantayan ang mga lugar na pagdarausan ng kilos-protesta at magbigay ng agarang tulong sa mga pasahero.

Ang protesta ay bahagi pa rin ng patuloy na pagtutol ng transport group sa jeepney modernization ng pamahalaan. 

Sa tala ng I-ACT, nasa 502 subpoena na ang na-isyu nila sa mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan dahil sa ‘smoke belching’ habang 1,668 violation tickets ang naisyu dahil sa mga depektibong mga parte o pagi-ging bulok ng mga sasakyan na ipinapasada.

Nasa 2,321 sasakyan ang nahuli dahil sa mga bayolasyon sa kalsada habang higit sa 100 ang na-impound dahil sa pagko-kolorum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with