^

Metro

5 pasahero pa-Dubai inaresto sa NAIA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 pasahero pa-Dubai  inaresto sa NAIA

Naharang ang mga pasahero sa pinakahuling “security screening” ang limang pasahero na hindi muna pinangalanan. Rudy Santos

Sa pagdadala ng P2.4-M cash

MANILA, Philippines — Limang pasahero na paalis sa bansa patungong Dubai ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang  magtangkang magpalusot ng P2.4 milyong halaga ng salapi nitong Sabado ng gabi.

Naharang ang mga pasahero sa pinakahuling “security screening” ang limang pasahero na hindi muna pinangalanan.  

Hindi naman batid kung paano hindi na-detect ang mala­king halaga ng pera sa inisyal na security x-rays ng paliparan.

Ayon kay Anthony Relucio, shift supervisor ng Bureau of Customs, nagpakilala ang mga pasahero na mga negosyante at magbabakasyon lamang sa Dubai.  Hindi naman sila pinayagan agad na makasakay sa kanilang biyahe dahil sa nasa P50,000 halaga lamang ang pinapayagan na maidala ng bawat pasahero na lalabas ng bansa. Ibinalik naman ang tig-P50,000 sa bawat pasahero habang isasailalim sa “seizure proceedings” ng BOC ang nalalabing halaga.  

Ikinatuwiran ng isa sa mga pasahero na hindi nila alam na may nilalabag silang batas. Dahil dito, binasahan ng NAIA authorities ng Miranda rights ang limang pasahero na sasam­pahan ng kasong paglabag sa Section 101 ng Customs Moder­nization Taffic Act at Pilipinas Circular No. 922 ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with