^

Metro

Suhulan sa towing hahalukayin ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Suhulan sa towing  hahalukayin ng MMDA

 Nitong nakaraang Bi­yernes, nagsagawa ng illegal parking operation ang “Special Task Force” ni Supervi­sing Officer Edison Nebrija sa Timog Avenue sa Quezon City.  Boy Santos

MANILA, Philippines —  Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa mismong bakuran nito makaraang mabulgar ang nagaganap na pagbibigay ng porsyento ng mga towing companies sa mga tiwa­ling tauhan ng ahensya na hinihinalang ugat ng mga pag-abuso sa paghatak sa mga sasakyan.

 Nitong nakaraang Bi­yernes, nagsagawa ng illegal parking operation ang “Special Task Force” ni Supervi­sing Officer Edison Nebrija sa Timog Avenue sa Quezon City.  Isang tawag ang natanggap ni Nebrija sa isang concerned citizen ukol sa isang towing crew na hinahatak ang isang puting kot­se nang walang kasamang enforcer.

  Nang puntahan at kausapin ni Nebrija, inamin ng isa sa mga crew na nagbibigay sila ng P200 kada hatak nila sa umano’y “dispatch” ng MMDA. Inamin din ng enforcer na pinakakain sila ng pananghalian ng mga towing company bagama’t itinanggi na may porsyento sila sa towing.

 Nakatakda namang isumite ni Nebrija ang kanyang ulat ngayong Lunes kay MMDA Assistant Manager for Operations Ret. Gen. Rober­to Almadin para sa isang masusing imbestigasyon sa natuklasang anomalya.

 Nilinaw ni Nebrija na bawal at walang polisiya ang MMDA sa pagtanggap ng P200 ng kanilang ‘dispatch’ buhat sa mga towing companies na kanilang hahalukayin ngayon at aalamin ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with