^

Metro

Footbridges sa Caloocan ginawang ‘kuta’ ng holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa maraming sumbong ng mga nabiktima ng panghoholdap sa Caloocan City, hinikayat ni Mayor Oscar Malapitan ang mga opisyal ng kanilang mga barangay na mahigpit na bantayan ang mga footbridges o tulay na ginagawang “kuta” ng mga holdaper.

Inatasan ni Malapitan ang mga punong barangay na magtalaga ng mga bantay sa mga footbridges lalo na sa dis-oras ng gabi at madaling-araw upang maging ligtas ang publiko na gumagamit sa mga ito laban sa  mga holdaper at snatchers.

 Ito ay makaraang linisin, pailawan at kabitan ng mga “closed circuit television camera” ni Malapitan kay Jojo Garcia, head ng Mayor’s Action Team at Engineering Office ang lahat ng footbridges na sakop ng lungsod dahil sa napakaraming sumbong ng publiko.

 Pinakamaraming reklamong natatanggap ang hindi mapigil na pag-atake ng mga holdaper sa mga footbridges sa EDSA sa may MCU hanggang sa Bagong Barrio.  Isa pang netizen na nagreklamo sa FB page ng pamahalaang lungsod ang nagsabi na muntik nang malaglag ang sanggol na kanyang dinadala nang magtatakbo palayo sa isang holdaper na nagtangkang mambiktima sa kanya.

 Una na ring inatasan ng alkalde si Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo na tutukan ang pagpapatrolya sa naturang mga lugar na kinatitirikan ng mga footbridges..

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with