^

Metro

Kelot itinumba sa pagbebenta ng pekeng shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpu­ang nakahandusay ang isang dati umanong drug courier nang muling bumalik sa lugar kung saan siya ay may na­kaaway dahil sa pagbe­benta umano ng pekeng shabu sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Yap, tinatayang nasa 25-30 anyos, dating residente ng Vargas Compound, 2th Street, Brgy. 650 Port Area, Maynila at sinasabing naka­tira na ngayon sa Baseco Compound.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, na­diskubreng patay ang biktima alas-12:10 ng madaling araw kahapon sa Vargas Compound, 12th Street, Port Area,

Sa dami ng mga residente at taong nakakakilala at usisero, wala umanong nais mag­bigay ng pahayag kaugnay sa insidente maliban sa naging salaysay ni Rodolfo Trono, 71, Brgy. 650 Exe­cu­tive Officer na nagsabing kilala niya na dating­ consti­tuent ng kanilang lugar si Yap at na­ging matunog umano ang pa­­­­ngalan nito bilang ‘drug cou­rier’. Noong taong 2015 ay lumipat ito ng tirahan sa Baseco Compound dahil sa mga nakaalitan hinggil sa pa­memeke ng ibineben­tang shabu.

Kamakalawa ng gabi, huli pa niyang nakitang buhay si Yap na nakikipag-inuman sa ilang kalalakihan sa isang sari-sari store sa 12th Street panulukan ng Railroad St., at nagulat na lang nang may magbalita na binaril ito.

Inaalam pa kung ang da­ting­ mga kaalitan ang sang­­kot sa pamamaslang.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo, mukha, dibdib at kaliwang kamay ang biktima na nagsanhi sa kanyang kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with