^

Metro

Nanaksaksa parak, tigok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lasing nang mabaril ng pulis na kaniyang pinagdiskitahan, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na nailigtas ang buhay nang isugod sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital si Reynaldo Lee Jr., 34, binata, part-time driver at electrician at residente ng  J. Fajardo St., Sampaloc, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sumuko naman agad ang nakabaril na si PO1 Gester Ver­­zosa, 30, binata, nakatalaga sa Intelligence Section ng Manila Police District-Station 7, at residente ng Punta, Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggunng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente da­kong alas-12:15 ng madaling araw sa J. Fajardo St. kanto ng Miguelin St., Sampaloc.

Sakay umano ng motorsiklo ang papauwing si PO1 Verzosa nang biglang atakehin ng saksak ni Lee kaya bumaba sa kaniyang motorsiklo at hinarap upang dumepensa subalit patuloy pa rin ang pananakasak ng lasing  na si Lee.

Dahil sa komosyon, na­agaw ang atensiyon ng mga pulis ng Lacson Police Community Precinct, sa pangunguna ni SPO1 Rodolfo Mirasol na nagsasa­gawa ng Simultaneous Anti-Cri­minality Law Enforcement Operation (SACLEO), at doon na sumuko at sinabi ni PO1 Verzosa ang pangyayari.

Dinala sa Ospital ng Sampaloc si PO1 Verzosa na may mga tama ng saksak sa dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with