2 big time ‘tulak’ timbog: P1.2 M shabu nasamsam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaang ‘big time drug pusher’ na supplier ng droga sa ilang lungsod sa National Capital Region (NCR)  habang aabot naman sa P1.2 milyon  shabu ang nasamsam sa mga ito sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nasakoteng suspect na sina Samim Mapandi, 29, tubong Lanao del Sur, ng Brgy. 630, Sta Mesa, Manila at Junarie Basher, 26, vendor, tubong Lanao del Sur, ng Brgy. Bario, Sta. Mesa sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Eleazar ang mga suspect ay matagal nang  minanmanan ng mga operatiba ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Chief Inspector Ferdinand Mendoza matapos na makatanggap ng impormasyon na ang mga ito ay pawang mga big time suppliers ng shabu sa Quezon City, Pasay City at Manila.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba sa harapan ng isang banko sa Quezon Avenue sa panulukan ng Biak na Bato Street at Brgy. Sto Domingo sa lung­sod Quezon.

Sinabi ni Eleazar na nakipag-transaksyon ang isang undercover na parak na bumili ng P600,000 halaga ng shabu mula kina Mapandi at Basher.

Ang mga suspek ay inaresto sa aktong iniaabot ang droga sa posuer buyer habang   ng inspeksyunin ang behikulo ng mga ito ay nakuha ang dalawa pang malalaking plastic sachets ng shabu na tumitimbang P200 gramo bawat isa na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 M at mga drug paraphernalia.

Samantala, anim pang drug peddlers ang nasakote dakong alas-10 ng gabi sa serye ng operasyon sa Wings Compound, Brgy. Bagbag, Novaliches; Brgy. Payatas at Brgy. Tagumpay, Project 4; pawang sa Quezon City.

Ang mga nasakote ay nakilalang sina Christopher Manicat, 35; Benedict Ronald  Cañesa; Joel Jaime; Aurelio Beldad, 29; Wilmar Pat, 20; Baltazar Peñaflor. Ang mga ito ay nakumpiskahan ng 16 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.  

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with