NBI inobliga ng korte na iharap sa pagdinig si Kerwin Espinosa
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inoobliga ni Judge Silvi­no Pampilo ng Manila RTC Branch 26 ang National Bureau of Investigation na iharap sa kanyang sala ang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

Sa pagsisimula ng pagdinig ay hindi iniharap ng NBI si Espinosa  at sa halip isang sulat kamay ni Espinosa ang iprinisinta ng mga NBI agent na nagsasabing hindi siya makararating sa paglilitis dahil sa pangamba sa kanyang buhay at kawalan ng abogado.

Hindi ito pinayagan ni  Judge Pampilo at ipinasundo sa NBI si Espinosa kaya bago magtapos ang pagdinig ay dumating ang akusado.

Binalaan din ng hukom ang NBI na kung hindi dadal­hin si Espinosa ay kanyang isa-cite for contempt.

Kaugnay nito ay binigyan ng tatlo hanggang limang araw ni Judge Pampilo si Espinosa upang humanap ng abogado.

Matatandaang pinatay ang abogado ni Espinosa na si Atty. Jonah John Ungab nang pagbabarilin ng dalawang gunman na nakamotorsiklo  matapos na dumalo ng hearing sa Cebu City Regional Trial Court.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with