Brgy. ex-o sugatan sa ambush, driver tigok
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang 43-anyos na driver habang sugatan ang kaniyang amo na barangay executive officer sa Mala­bon City at pamangkin ng shooting champion ng Pilipinas na si Tac Padilla, nang tambagan ng pitong armadong kalalakihan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang driver na si Christopher Roloque, na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa ulo at katawan, habang ginagamot sa Metropolitan Medical Center ang brgy. ex-o na si Harold  ‘Chime’ Padilla, 40, na nagtamo ng tama ng bala sa paa. Masuwerte rin ang misis na si Irene Padilla na hindi tinamaan.

Tadtad ng bala ang  To-yota Innova na kulay brown na pag-aari ng mga Padilla habang iba’t ibang basyo ng bala naman ang nakalap sa crime scene na nagmula umano sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Almayda  ng Manila Police District-Homicide Section, naghahanap pa sila ng lead at kuha ng closed circuit television (CCTV) na posibleng mapagbatayan sa pagkakakilanlan ng mga suspek na sinasabing apat na magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo na pawang aramado ng baril at tatlong lalaki na di pa batid ang sinakyan sa pagtakas.

Sugatan sa balikat ang nadamay na tricycle driver na si Lemuel Tan, 33.Naganap ang insidente  dakong alas-9:54 ng umaga sa  panulukan ng New Antipolo at Solis Sts., Tondo.

Ayon kay SPO1 Almayda, may mga nakaabang na sa pagdating ng sasakyan ng mga biktima na posibleng pinagplanuhan dahil napag-aralan ang pattern ng pagtungo doon ng mag-asawang Padilla.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with