2 ‘laglag-barya’ nabuko, arestado
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pasahero ng dyip na hinihinalang miyembro ng ‘laglag-barya gang’ ang inaresto nang ireklamo ng kapwa pasahero na kumuha sa kaniyang cell phone, sa Ermita, Maynila, sa ulat kahapon.

Nahaharap sa reklamong theft sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek na kinilalang sina Harold Royola, 32, tricycle driver, miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik’ at residente ng Purok 4, Brgy. Mansol, Nagcarlan, Laguna at Albino Estrada, 38, tricycle driver ng Purok Kanluran, Calauan, Laguna.

Sa reklamo kay SPO1 Mark Cyrus Santos ng  Manila Police District-Station 5, ng seaman na si Paul Per,  38, ng San Andres, Malate, Maynila,  sakay siya ng pampasaherong dyip dakong alas- 8:30 ng umaga nitong Huwebes nang sabihan siya ni Royola na nalaglag ang kaniyang barya.

Bagamat di tiyak kung kaniya ang nahulog na barya ay pinulot niya at bababa na siya nang mapansin na wala na ang (Samsung) cell phone na nagkakahalaga ng P20,000.

Kaya bago bumaba ay sinita niya ang dalawang katabi sa hinalang si Estrada ang dumukot sa bulsa niya dahil sa sinabi nito na nahulog ang kaniyang barya.

Nang makita ang pulis na nagpapatrulya ay humingi ng saklolo at ipinaaresto ang dalawa. Kusa namang isinoli ni Estrada ang cell phone sa biktima subalit hindi na sila pinakawalan ng pulis at dinala sa presinto.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with