Ilang bahagi ng aEDSA sarado bukas
MANILA, Philippines — Isasara bukas araw ng Linggo (Pebrero 25) sa mga motorista ang ilang bahagi ng EDSA at White Plains Drive sa Quezon City bunsod ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power Re-volution.
Sa traffic management plan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Ortigas Avenue hanggang Santolan (northbound) ay isasara ng alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga.
Ang dalawang outer lanes ay sarado sa mga sasakyan, samantalang ang tatlong inner lanes mula Edsa-Ortigas flyover ay magiging passable sa mga motorista hanggang Aguinaldo Gate.
Samantala, ang parehong direksyon ng White Plains Drive, mula Temple Drive hanggang EDSA, ay sarado sa trapik mula alas-12:01 ng madaling araw.
Sa EDSA Southbound, kumanan sa Aurora Boulevard o Santolan, kumaliwa sa Gilmore o Ortigas, kumanan sa Edsa patungo sa destinasyon, kumanan sa Katipunan o Libis-C5 Road patungo sa destinasyon.
Sa EDSA Northbound naman ay kumanan sa Kalayaan/ Shaw Boulevard/Ortigas, kaliwa sa C5 Road patungo sa destinasyon; o kumaliwa sa Ortigas papuntang Greenhills, kanan sa Santolan patungo sa destinasyon, kumanan sa Ortigas o kaliwa ng Ortigas flyover papuntang Greenhills, kumanan patungo sa destinasyon.
Sinabi ni Acting MMDA General Manager Jojo Garcia na nasa 150 traffic enforcers ang ide-deploy para magmando ng trapiko sa mga mataong kalsada.
- Latest