^

Metro

Call center agent kinursunada, sinaksak ng tambay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na  saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang call center agent na nakaratay ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) nang dahil sa pang-iisnab umano sa lalaking tumatawag sa kaniya sa daan  sa Sta. Cruz, Maynila, inulat kahapon.

Sugatan sa dibdib, likod   at hita ang biktimang si Char­les Melvin Cruz, 21, resi­dente ng Tondo, Maynila, na ayon sa ulat ay nasa ligtas nang kondisyon.

Inaalam pa ang pagki­lan­­lan ng suspek na pina­niniwalaang drug addict na nanaksak sa biktima. Tina-ngay din ng suspect sa pagtakas ang  cell phone ni Cruz.

Sa ulat ni PO1 Rudolf Fa­jardo ng Manila Police District-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-2:50 ng madaling araw sa panulukan ng Tayuman at Oroquieta Sts., Sta. Cruz.

Nagtungo umano sa lugar ang biktima para makipag-kita sa isang kaibigan at habang naglalakad ay tinawag ito ng suspek na hindi niya binigyang-pansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Walang malay ang bikti-ma na sinundan siya ng suspek at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with