^

Metro

500 ex-drug users ng Quezon City, trabahador na ngayon sa MRT-7

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Trabahador na ngayon ng ginagawang MRT-7 ang may 500 dating  mga drug users sa Quezon City.

Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC),  marami pa ring mga sumukong drug dependents ang isinasailalim sa proseso ng lokal na pamahalaan para  mabigyan ng trabaho at iba pang pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

“We’re quite proud of  them because they persevered to change their ways. And this is what we have been trying to prove – all people indeed deserve a second chance,” dagdag ni Belmonte.

Aniya nagkaroon ng ha­nap­buhay ang 500 dating mga drug users sa pamamagitan ng kasunduang nilagdaan ng QCADAAC at ng San Mi­guel Corp. (SMC), ang kompanyang may hawak sa konstruksiyon ng  MRT 7.

Napili ang SMC, sa pa­ma­magitan ng subsidiary nitong Universal LRT Corpo­ration BVI (ULC), na itayo ang 22.8-kilometro, P62.7-bilyong MRT Line 7 project.

Ang 500  nabigyan ng trabaho sa MRT 7 ay bahagi ng may 2,000 drug surrenderees na sumailalim sa community-based drug rehabilitation program ng QCADAAC at pawang mga naalis na sa drug watch lists ng lokal na pamahalaan.

Umabot na sa mahigit 16,000 mga drug suspects ang sumuko sa QCADAAC at Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’ ng Philippine National Police (PNP).

“We are really thankful to the private sector. They are really supportive,” sabi pa ni  Belmonte.

Aniya, mas nakatuon ang lokal na pamahalaan na big-yan ng trabaho ang mga drug surrenderees para makapag bagumbuhay.

Ang  QC government ang kauna-unahang naglunsad ng community-based drug rehabilitation program noong 2016 sa hanay ng mga LGUs sa bansa bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with