^

Metro

Tandem pumatay ng driver, testigo sa krimen hinoldap pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makaraang patayin ang kanilang target, hinoldap pa ng   riding-in-tandem na suspects ang isang ginang na nakasaksi sa ginawa nilang pamamaril sa isang tricycle driver, kamaka-lawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Gilbert Pangilinan, 52, residente ng Waling-Waling Street, Brgy. 174, habang tinatayang P10,000 halaga ng pera naman ang natangay sa 25-anyos na ginang na si Joice Aldaba, ng dalawang hindi nakilalang salarin na kapwa nakasuot ng itim na jacket.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naglalakad sina Al­daba at kanyang nobyo na si Christian Pegarido sa may Zapote Road kanto ng Kapitan Rico Street sa Brgy. 174, Camarin dakong alas-10:00 ng gabi nang masaksihan nila ang pamamaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang mo­torsiklo sa biktimang trike driver na si Pangilinan.

Ngunit bago tumakas, isa sa mga suspek ang lumapit kay Aldaba at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang pera at iba’t ibang cards.

Nabatid naman na sangkot sa iligal na droga si Pa-ngilinan at dati nang pina-kiusapan na sumuko sa ilalim ng ‘Oplan Tokhang’. Dati na rin umano siyang tinangkang paslangin noon nang mabaril ngunit nakaligtas sa kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with