2 sunog sumiklab sa Maynila
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumiklab kaha­pon ang dalawang su­nog na nagresulta sa pagkakaabo ng ilang kabahayan sa Sampaloc, Maynila. 

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP) unang sumiklab ang sunog sa may Mabini Extension corner Lardizabal St. Sampaloc, Maynila dakong alas-10:10 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire-out-alas-11:21 ng tanghali. 

Tinatayang aabot  sa P150,000 ang hala­ga ng ari-arian napin­sala ng sunog kung saan nadamay masunog ang anim na bahay at nawalan naman ng tirahan ang 15 pamilya.

Samantala, dakong ala-1:13 ng tanghali  naman sumiklab ang sunog sa isang kalsada malapit sa Plaza Noli, Calabash Road, Sampaloc at idineklarang fire-out makalipas ang kalahating oras. 

Patuloy namang iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog.  Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa naganap na dalawang  sunog.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with