2 ginang binoga sa Caloocan:1 patay, 1 kritikal
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sakay ng motorsiklo habang isa pang babae ang nasa kritikal ding kondisyon nang barilin naman ng kanyang kapitbahay sa magkahiwalay na insidente, sa Caloocan City.

 Nakilala ang nasawi na si Marcianita Gigante, 47, ng  Pag-asa St., Brgy. 178, habang inoobserbahan naman sa Caloocan City Medical Center ang 40-anyos na si Marie Pearl Alfonso, ng DM Compound, Heroes Del 96, Brgy. 73, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang unang insidente dakong alas-9:30 ng umaga habang nakatayo si Gigante sa tapat ng kanyang bahay at may kausap sa kanyang mobile phone nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril nang malapitan ang ginang sa mukha at sa katawan saka mabilis na tumakas.

 Isinugod naman sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Gigante ng kanyang mga kaanak ngunit idineklara nang ‘dead-on-arrival’.

 Samantala, dakong alas-11:30 ng Miyerkules ng umaga naman nang barilin sa loob ng kanyang bahay si Alfonso ng kalugar niyang si alyas Nognog.  Naghuhugas ng mga pinggan ang biktima nang palihim na pumasok sa kanyang nirerentahang kuwarto ang suspek na ikinagulat ng biktima. 

 Dito nagsisigaw ang biktima dahil sa hinala na may masamang tangka ang suspek.  Dahil sa pag-iingay ng ginang, nagbunot ng baril ang lalaki at binaril ang ginang na tinamaan ng bala sa kaliwang pisngi at sa balikat.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang insidente upang mabatid ang motibo  sa naturang mga krimen habang nagsasagawa na rin ng follow-up operations upang madakip ang mga salarin.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with