2 pulis-Caloocan sa Carl, Kulot slay kinasuhan na
(Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 11:56am

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kaso sa Caloocan City regional trial court ang dalawang pulis na nasa likod ng umano’y pag-torture at pagpatay sa mga teenager na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Hawak na ni Judge Georgina Hidalgo ng Branch 122 ang kaso laban kina Police Officers 1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.

Bukod sa reklamong torture at murder, inireklamo pa ang dalawang pulis dahil sa pagtatanim umano ng ebidensya kay Arnaiz na nilagyan ng pakete ng marijuana at shabu at .38 kalibre na revolver upang magmukhang nanlaban.

Agosto nitong nakaraang taon nang huling nakitang magkasama sina Arnaiz at de Guzman bago sila nawala.

Halos dalawang linggo bago nalaman ng pamilya ni Arnaiz na nasa morgue na ang katawan ng binatilyo, habang halos tatlong linggo nang makita ang tadtad ng saksak na bangkay ni De Guzman sa Gapan, Nueva Ecija.

Napatay umano si Arnaiz matapos mangholdap ng taxi sa Caloocan City.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with