PNP nangangalap ng pondo pampiyansa sa Mandaluyong cops sa ‘mistaken identity’
(Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 1:05pm

MANILA, Philippines — Inamin ni Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa na nangangalap sila ng pera upang makapagpiyansa ang mga pulis-Mandaluyong na sangkot sa kaso ng “mistaken identity” shooting.

“So ngayon lumabas na ‘yung resolution sa... ‘yung kanilang kaso is homicide. Lumabas na ‘yung warrant para nandoon ‘yung bail bond — kung magkano ‘yung bail,” wika ng PNP chief sa kaniyang panayam sa CNN Philippines.

“Nagpu-put up kami ng pera ngayon kung paano matulungan rin ‘yung mga pulis na ‘yon makapag-bail. So that’s our moral responsibility kasi mga tao rin namin ‘yon,” dagdag niya.

Sinabi ni dela Rosa na hindi naman sinasadya ng kaniyang mga tauhan na paulanan ng bala ang maling sasakyang inakala nilang tumatakas.

“They were performing their duties during the time although pumalpak, nagkamali, but still, deep inside them wala silang ill motive sa ginagawa nilang lakad na ‘yon,” patuloy niya.

Dalawa ang nasawi, habang dalawa ang sugatan sa insidente na nag-ugat sa pagresponde ng mga pulis sa tinutugis ng mga tanod.

Sa kabila nito, sinabi ni dela Rosa na kailangan pa ring kaharapin ng mga sangkot sa insidente ang kanilang mga ginawa.

“Pumalpak talaga. May namatay. So they have to face the consequences of their actions,” ani dela Rosa.

Nahaharap sa kasong double homicide at double frustrated homicide ang 10 pulis at dalawang barangay tanod.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with