Walang taas pasahe sa MRT --DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na walang magaganap na pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line-3.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Rails TJ Batan, aa-yu­sin muna nila ang serbisyo, pagagandahin ang pasilidad kabilang na ang riles at mga tren ng MRT-3 bago planuhin ang pagtaas ng pasahe.

Ginawa ni Batan ang katiyakan bunsod ng lumulutang na usapin ukol sa taas-pa-sahe sa mga pampublikong sasakyan dahil sa bagong tax reform package at excise tax ng pamahalaan.

Sinabi ni Batan na uunahin nila ang  isyu sa safety, reliability at security sa operasyon ng MRT-3 upang hindi naman nakakahiya sa publiko.

Bukod sa MRT-3 ay wala rin aniyang planong magtaas ng pasahe sa ibang rail system sa bansa, kabilang na ang Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Samantala, pumalo na sa ika-10 aberya ang naganap na pagtirik ng biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon ng umaga.

Pinababa ng tren ang nasa 620 na pasahero sa pagitan ng Ortigas at Shaw Boulevard station southbound dahil sa technical problem dakong alas-5:37 ng umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nakaranas ng “electrical failure” ang isang bagon ng MRT-3 kaya pinababa ang mga sakay nito sa kabila ng kanilang pagmamadali na makarating sa kani-kanilang mga destinasyon.

Hinatak pabalik ng MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City ang tumirik na bagon habang ang mga pinababang pasahero ay isinakay sa kasunod na tren matapos ang tatlong minuto.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with