2 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Muntinlupa
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

Pinasok sa bahay

MANILA, Philippines — Patay ang dalawa katao  habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagba­barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. 

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Maricel Argana, 40, at Rommel Garboni, 42, tricycle driver, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Nasa kritikal naman na kondisyon at ginagamot pa sa Ospital ng Muntinlupa  sina Edmundo Agbuya, 42 at Joel Istraita, 34, isa ring tricycle driver na nasugatan din sa nasabing insidente. 

Samantala nagsasagawa pa ng follow-up  ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga suspect. 

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Muntinlupa City Police na si Sr. Supt. Dante Novicio, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa bahay ni Argana habang nasa loob ang mga biktima nang  biglang dumating ang mga suspect at walang salitang pinaulanan ng bala ang mga ito  na nagresulta ng agarang kamatayan ng dalawa.

Samantala,  ang mga du­guang sina Agbuya at Istraita ay mabilis na dinala sa naturang ospital ng ilang mga bystanders.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with