Si Sr. Inps. Maria Cris-tina Vasquez, Mobile Patrol Unit Chief at team leader ng Mandaluyong police  na sangkot sa insidente ng ‘mistaken identity’ ay su­mu­ko sa kanyang superior dakong alas-3:30 ng hapon. Joven Cagande, File

Lady cop na sangkot sa ‘mistaken identity’, sumuko
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang limang araw na pagtatago, tuluyan na ring sumuko kahapon ang babaeng police official na sangkot sa madugong pamamaril sa Mandaluyong City na ikinasawi ng dalawa katao na sakay ng AUV no­ong nakalipas Biyernes.

Si Sr. Inps. Maria Cris-tina Vasquez, Mobile Patrol Unit Chief at team leader ng Mandaluyong police  na sangkot sa insidente ng ‘mistaken identity’ ay su­mu­ko sa kanyang superior dakong alas-3:30 ng hapon.

Nabatid mula kay P/Supt. Florendo Quibuyen, Task Force Group Commander, unang nagreport si Vasquez sa National Capital Police Region Office (NCRPO) bago ito tuluyang sumuko.

Sa ngayon ay under custudy na si Vasquez ng kanyang superior na si Sr. Supt. Enrique Antarap, OIC chief ng Mandaluyong City police at nagsabing handa siyang harapin ang anumang kaso ang ipapataw sa kanya.

Samantala, kasalukuyan namang hinihintay ang pagsuko na isa namang bara-ngay tanod na sangkot din sa madugong insidente.

Ayon kay Jimmy Isidro, Public Information Office (PIO) chief ng Mandaluyong nagpadala na ng surrender feeler ang tanod na si Jorge Gulpo na nagpahayag na umanong handa ng  harapin ang ano mang kaso na ipapataw sa kanya hinggil sa naganap na madugong insidente na naganap sa Shaw Boulevard corner Wack Wack Brgy. Pleasant Hill, Mandaluyong City.    

Sinabi ni Isidro, kung hindi ngayon gabi ay posibleng bukas ay susuko na si Gulpo na umano’y nagtago lamang sa isang hindi tinukoy na lugar sa Metro Manila.

Ang planong pagsuko ni Gulpo ay bunsod na apila ni Mayor Menchie Abalos.

Magugunitang nasawi  sa naganap na insidente sina Jomar Jayaon at Jonalyn Ambaon na pawang sakay ng AUV.

 

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with