Kelot kritikal sa tarak ni lolo
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agaw-buhay ngayon ang kalagayan ng isang lalaki sa pagamutan matapos itong pagsasaksakin ng isang lolo na iniulat kahapon sa Muntinlupa City.

Sanhi ng dalawang sasak sa dibdib, ginagamot ngayon sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Charlie Escala, nasa hustong gulang, taga-Bunyi Compound, Brgy. Cupang ng naturang siyudad.

Nakakulong naman sa Muntinlupa City Police ang suspek na si Ramon Aguilar, 65, nakatira sa naturang lugar.

Sa report na natanggap ng hepe ng Muntinlupa City Police na si Police Sr. Supt. Dante Novicio, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling araw sa Bunyi Compound, Brgy. Cupang ng naturang siyudad.

Nabatid, na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at sa kainitan ng pagtatalo ng dalawa, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Duguang tumumba ang biktima at mabilis itong isinugod ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with