Lady cop sa Mandaluyong shootout, pinasusuko ni Bato
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasusuko ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lady cop na team leader ng mga operatiba na nasangkot sa pamamaril sa isang behikulo sa Mandalu­yong City na ikinasawi ng da­lawang sibilyan habang dalawa pa ang nasugatan noong Disyembre 28 ng gabi.

Ito’y matapos na mapag-alaman na hindi na nagre-report sa kanyang trabaho si Sr. Inspector Ma. Cristina Vasquez buhat nang maganap ang insidente.

“Nag-AWOL nga ‘yung isa (Vazquez) dahil ayaw magpakulong, babae yun, kung nakikinig ang policewoman na ‘yun sana sumurender ka para hindi ka na kasama sa manhunt kasi ‘pag labas ng warrant mo maging subject ka sa manhunt kawawa ka pati yung barangay tanod na lumayas”, ayon kay Dela Rosa.

Samantala, ang siyam pa nitong kasamahang nasibak na ipinaditine ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde at dalawa pang Brgy. Tanod matapos na sampa­han ng kasong kriminal bunga ng pamamaril.

Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na hindi dapat pagdudahan ang resulta ng paraffin test ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga biktima kung saan dalawa sa mga ito ay lumitaw na positibo sa gun powder burns.

Sa kabila nito, ipinagtanggol pa rin ni Dela Rosa ang mga pulis sa Mandaluyong City na sinabi nitong hindi intensyon na pumatay ang mga ito kundi’y umaksyon lamang sa impormasyon na naireport sa kanila ng mga barangay tanod.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with